Now Playing Tracks

kattyrinuuhh:

Wag kang umalis. Wag kang lumayo sakin. Dahil hindi ko kaya. Oo, kaya ko huminga kahit na wala ka. Pero hindi ko kaya na palagi kang nasa isip ko at umaasa ako na babalik ka. Hindi ko kaya yung nabubuhay ako pero feeling ko patay na ko. Wag mo kong iwan. Natatakot ako na magisa. Dito ka nalang. Akin ka nalang. Dahil ako, mas mamahalin kita. At ako, hindi ko hahayaan na magagalit ka sakin at iwan mo ko. Gagawin ko yung makakaya ko para sayo. Basta wag ka lang mawala. Dito ka lang. Stay right here with me forever. 

kattyrinuuhh:

Minsan hindi lang natin siya basta mahal. Kundi kailangan rin natin siya. Kailangan natin siya dahil mahal natin siya. At kailangan natin siya para harapin yung bawat araw na dumadating sa buhay natin. Ang saya diba, dahil kasama mo siya na harapin ang lahat. Kasama mo siya at buo na yung araw mo. Siya yung nagpapasaya sayo. Halos kalahati ng katawan mo, kumikilos para sa kanya. Kaya hindi mo kaya na wala siya. Dahil mahal na mahal mo siya at hindi kakayanin ng puso mo kung mawawala siya ng ganun ganun nalang.

kattyrinuuhh:

May mga nakikilala tayo na hindi natin inaakala na magiging parte ng mundo natin. Yung nagsimula kayo sa simpleng “Hi” at “Hello”. Masaya ka kasi may nakilala kang bumuo sa pagkatao mo at dahil sa kanya naiilabas mo yung totoong ikaw lalo na tuwing kasama mo siya, parang sana huminto yung oras. Nagpapasalamat ka dahil sa kanya kung bakit masaya ka ngayon at nakakalimutan mo lahat ng problema kapag kasama mo siya. Sana hindi na siya mawala sayo. 

kattyrinuuhh:

Ang sarap sa pakiramdam na hawak niyo yung kamay ng isa’t isa. Yung fit na fit na parang para sa inyo talaga yun. Yung mainit na kamay na dadampi sa kamay mo, sabay magkakadikit yung mga daliri niyo at magl-lock. Parang hawak niya yung mundo mo. Nagiging magaan yung pakiramdam mo dahil yung simpleng paghawak niya sa kamay mo, parang sinasabi niya na nandiyan lang siya at hindi ka niya bibitawan. Na kahit anong mangyari, hindi siya bibitaw sayo, kakayanin niyo lahat at haharapin niyo ng sabay lahat ng pagsubok.

We make Tumblr themes